Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 12

قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ ۖ قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِنْهُ خَلَقْتَنِي مِنْ نَارٍ وَخَلَقْتَهُ مِنْ طِينٍ 12 ١٢

Nagsabi Siya: “Ano ang pumigil sa iyo na hindi ka magpatirapa noong nag-utos Ako sa iyo?” Nagsabi ito: “Ako ay higit na mainam kaysa sa kanya. Lumikha Ka sa akin mula sa apoy samantalang lumikha Ka sa kanya mula sa putik.” (12)

Tafsīr
Nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Siya – bilang paninisi kay Satanas: "Alin ang nakapigil sa iyo sa pagsunod sa utos Ko sa iyo na magpatirapa kay Adan?" Nagsabi si Satanas habang sumasagot sa Panginoon niya: "Nakapigil sa akin na ako ay higit na mainam kaysa sa kanya sapagkat nilikha Mo ako mula sa apoy samantalang nilikha Mo siya mula sa putik. Ang apoy ay higit na marangal kaysa sa putik."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba