Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya nagsugo Kami sa kanila ng baha, mga balang, mga kuto, mga palaka, at [tubig na naging] dugo bilang mga himalang nagdedetalye ngunit nagmalaki sila. Sila noon ay mga taong salarin. (133)
Tafsīr
Kaya nagpadala Kami sa kanila ng maraming tubig bilang parusa para sa kanila sa pagpapasinungaling nila at pagmamatigas nila, kaya nilunod ang mga pananim nila at ang mga bunga nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga balang, kaya kinain ng mga ito ang mga aanihin nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga kulisap na tinatawag na mga kuto, na namiminsala ng pananim o nakasasakit sa tao sa buhok nito. Nagpadala Kami sa kanila ng mga palaka, kaya pinuno ng mga ito ang mga lalagyan nila, sinira ng mga ito ang mga pagkain nila, at pinuyat ng mga ito sa mga higaan nila. Nagpadala Kami sa kanila ng dugo, kaya ang mga tubig ng mga balon nila at mga ilog nila ay naging dugo. Nagpadala Kami ng lahat ng iyon bilang mga tanda na naglilinaw at nagtatangi, na sumusunod ang ilan sa mga ito sa iba. Sa kabila ng lahat ng tumama sa kanila na mga kaparusahan ay nagmataas sila laban sa pagsampalataya kay Allāh at sa paniniwala sa inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Sila noon ay mga taong gumagawa ng mga pagsuway. Hindi sila kumakalas sa kabulaanan at hindi sila napapatnubayan tungo sa katotohanan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: