Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 141)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 141

وَإِذْ أَنْجَيْنَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۖ يُقَتِّلُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ 141 ١٤١

[Banggitin] noong pinaligtas Namin kayo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagpapatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan. (141)

Tafsīr
Banggitin, O mga anak ni Israel, nang pinaligtas Namin kayo sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo mula sa pang-aaba ni Paraon at ng mga tao niya sa inyo yayamang sila noon ay nagpapalasap sa inyo ng mga uri ng kahamakan gaya ng pagpapatay sa mga lalaking anak ninyo at pagpapamuhay sa mga babae ninyo para maglingkod. Sa pagsagip sa inyo mula kay Paraon at sa mga tao niya ay may isang pagsusulit na sukdulan mula sa Panginoon ninyo, na humihiling mula sa inyo ng pagpapasalamat.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba