Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 143)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 143

وَلَمَّا جَاءَ مُوسَىٰ لِمِيقَاتِنَا وَكَلَّمَهُ رَبُّهُ قَالَ رَبِّ أَرِنِي أَنْظُرْ إِلَيْكَ ۚ قَالَ لَنْ تَرَانِي وَلَٰكِنِ انْظُرْ إِلَى الْجَبَلِ فَإِنِ اسْتَقَرَّ مَكَانَهُ فَسَوْفَ تَرَانِي ۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُ لِلْجَبَلِ جَعَلَهُ دَكًّا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقًا ۚ فَلَمَّا أَفَاقَ قَالَ سُبْحَانَكَ تُبْتُ إِلَيْكَ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُؤْمِنِينَ 143 ١٤٣

Noong dumating si Moises para sa takdang oras at kumausap rito ang Panginoon nito ay nagsabi ito: “Panginoon ko, magpakita Ka sa akin, titingin ako sa Iyo.” Nagsabi Siya: “Hindi ka makakikita sa Akin, subalit tumingin ka sa bundok sapagkat kung namalagi iyon sa lugar niyon ay makakikita ka sa Akin.” Kaya noong lumantad ang Panginoon niya sa bundok ay ginawa Niya ito na isang patag. Sumubsob si Moises na hinimatay. Noong nagkamalay ito ay nagsabi ito: “Kaluwalhatian sa iyo! Nagbabalik-loob ako sa Iyo, at ako ay ang una sa mga mananampalataya.” (143)

Tafsīr
Noong dumating si Moises para sa pakikipagniigan sa Panginoon nito sa tipanang pinagpasyahan, na ganap na apatnapung gabi, kinausap ito ng Panginoon nito hinggil sa mga pag-uutos, mga pagsaway, at iba pa. Nanabik ang sarili nito na makakita sa Panginoon nito kaya humiling ito sa Kanya na tumingin sa mukha Niya. Sumagot dito si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at kapita-pitagan Siya: "Hindi ka makakikita sa Akin sa buhay na pangmundo dahil sa kawalan ng kakayahan mo roon, subalit tumingin ka sa bundok kapag lumantad Ako roon. Kung namalagi iyon sa lugar niyon nang hindi naaapektuhan, makakikita ka sa Akin. Kung iyon ay naging kapantay ng lupa, hindi ka makakikita sa Akin sa Mundo." Kaya noong lumantad si Allāh sa bundok, ginawa Niya iyon na kapantay ng lupa at bumagsak si Moises nang walang-malay. Noong nagkamalay ito mula sa kawalang-malay na tumama rito ay nagsabi ito: "Nagpapawalang-kapintasan ako sa Iyo, O Panginoon ko, sa isang pagpapawalang-kapintasan sa bawat anumang hindi naaangkop sa Iyo. Heto ako, nagbabalik-loob sa Iyo dahil sa paghiling ko sa Iyo na makita Ka sa Mundo. Ako ay una sa mga mananampalataya mula sa mga kalipi ko."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba