Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila. Ginagantihan kaya sila ng maliban pa sa dati nilang ginagawa [ng kawalang-pananampalataya]? (147)
Tafsīr
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo Niya, at sa pakikipagkita sa Kanya sa Araw ng Pagbangon ay nawalang-saysay ang mga gawa nila na kabilang sa uri ng mga pagtalima. Kaya hindi sila gagantimpalaan sa mga iyon dahil sa pagkawala ng kundisyon ng mga iyon, ang pananampalataya, at hindi sila gagantihan sa Araw ng Pagkabuhay maliban sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya. Ang ganti roon ay ang pamamalagi sa Impiyerno.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: