Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pumili si Moises sa mga tao niya ng pitumpung lalaki para sa takdang oras sa Amin, ngunit noong dumaklot sa kanila ang pagyanig ay nagsabi siya: “Panginoon ko, kung sakaling niloob Mo ay nagpahamak Ka sana sa kanila bago pa niyan at sa akin. Magpapahamak Ka ba sa amin dahil sa ginawa ng mga hunghang kabilang sa amin? Ito ay walang iba kundi pagsubok Mo, na nagliligaw Ka sa pamamagitan nito ng sinumang niloloob Mo at nagpapatnubay Ka sa sinumang niloloob Mo. Ikaw ay ang Katangkilik namin kaya magpatawad Ka sa Amin at maawa Ka sa amin. Ikaw ay ang pinakambuti sa mga tagapagpatawad. (155)
Tafsīr
Humirang si Moises ng pitumpung lalaking kabilang sa mga mainam sa mga kalipi niya upang humingi ng paumanhin sa Panginoon nila dahil sa ginawa ng mga hunghang nila na pagsamba sa guya. Nangako sa kanila si Allāh ng isang takdang oras na dadaluhan nila. Noong dumalo sila ay naglakas-loob sila kay Allāh. Humiling sila kay Moises na ipakita nito sa kanila si Allāh nang mata sa mata, kaya dumaklot sa kanila ang lindol saka nawalan sila ng malay dahil sa hilakbot doon saka napahamak. Kaya nagsumamo si Moises sa Panginoon niya saka nagsabi: "O Panginoon, kung sakaling niloob Mo ang pagpapahamak sa kanila at ang pagpapahamak sa akin kasama sa kanila bago pa ng pagdating nila ay talaga sanang nagpahamak Ka sa kanila. Magpapahamak Ka ba sa amin dahilan sa ginawa ng mga mahina ang isip kabilang sa amin? Ang isinagawa ng mga kalipi ko na pagsamba sa guya ay walang iba kundi isang pagsusulit at isang pagsubok, na nagliligaw Ka dahil dito sa sinumang niloloob Mo at nagpapatnubay Ka sa sinumang niloloob Mo. Ikaw ay ang Tagatangkilik ng nauukol sa amin, kaya magpatawad Ka sa Amin sa mga pagkakasala namin at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng awa Mong malawak. Ikaw ay ang pinakamainam sa sinumang nagpatawad ng pagkakasala at nagpaumanhin ng kasalanan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: