Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan, na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.” (158)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan: sa mga Arabe sa inyo at mga di-Arabe sa inyo, na ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ukol sa Kanya ang paghahari sa lupa. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nagbibigay-buhay Siya sa mga patay at nagbibigay-kamatayan Siya sa mga buhay. Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh at sumampalataya kayo kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa at hindi nakasusulat at naghatid lamang ng isang kasi na ikinakasi sa kanya ng Panginoon niya, na sumasampalataya kay Allāh at sumampalataya sa pinababa sa kanya at sa pinababa sa mga propeta noong bago niya, nang walang pagtatangi. Sumunod kayo sa kanya sa inihatid niya mula sa Panginoon niya, sa pag-asang mapatnubayan kayo tungo sa anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: