Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 168)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 168

وَقَطَّعْنَاهُمْ فِي الْأَرْضِ أُمَمًا ۖ مِنْهُمُ الصَّالِحُونَ وَمِنْهُمْ دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَبَلَوْنَاهُمْ بِالْحَسَنَاتِ وَالسَّيِّئَاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ 168 ١٦٨

Naghati-hati Kami sa kanila sa lupa bilang mga kalipunan. Kabilang sa kanila ang mga maayos at kabilang sa kanila ang mababa roon. Sumubok Kami sa kanila ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, nang sa gayon sila ay babalik [sa pagtalima]. (168)

Tafsīr
Nagbaha-bahagi Kami sa kanila sa lupa at naggutay-gutay Kami sa kanila rito para maging mga pangkatin matapos na sila dati ay mga nagkakasama-sama. Kabilang sa kanila ang mga maayos na nagsasagawa sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga lingkod Niya. Kabilang sa kanila ang mga nagpapakakatamtaman. Kabilang sa kanila ang mga nagmamalabis sa mga sarili nila sa pamamagitan ng mga pagsuway. Sinulit Namin sila sa pamamagitan ng kaginhawahan at kagipitan, sa pag-asang bumalik sila palayo sa dating lagay nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba