Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong nagpaluwal ang Panginoon mo mula sa mga anak ni Adan mula sa mga likod nila ng mga supling nila at pinasaksi Niya sila sa mga sarili nila: “Hindi ba Ako ay Panginoon ninyo?” ay nagsabi sila: “Opo; sumaksi kami,” upang hindi kayo magsabi sa Araw ng Pagbangon: “Tunay na Kami dati tungkol dito ay mga nalilingat,” (172)
Tafsīr
Banggitin mo, O Muḥammad, noong pinalabas ng Panginoon mo mula sa mga gulugod ng mga anak ni Adan ang mga supling nila at pinaamin Niya sila sa pagkilala sa pagkapanginoon Niya sa pamamagitan ng inilagak Niya sa mga kalikasan ng pagkalalang sa kanila na pagkilala na Siya ay ang Tagalikha nila at ang Panginoon nila, na nagsasabi sa kanila: "Hindi ba Ako ay Panginoon ninyo?" Nagsabi naman silang lahat: "Opo; Ikaw ay Panginoon namin." Nagsabi Siya: "Sumubok lamang Kami sa inyo at gumawa Kami sa inyo ng isang kasunduan upang hindi kayo magkaila sa Araw ng Pagbangon sa katwiran Namin sa inyo at magsabi kayo na wala kayong kaalaman doon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: