Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 173)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 173

أَوْ تَقُولُوا إِنَّمَا أَشْرَكَ آبَاؤُنَا مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةً مِنْ بَعْدِهِمْ ۖ أَفَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ الْمُبْطِلُونَ 173 ١٧٣

o [upang hindi] kayo magsabi: “Nagtambal lamang [kay Allāh] ang mga ninuno namin bago pa niyan at kami dati ay mga supling matapos na nila; kaya magpapasawi Ka ba sa amin dahil sa ginawa ng mga tagapagpabula?” (173)

Tafsīr
O [upang hindi] kayo mangatwiran na ang mga ninuno ninyo ay ang mga kumalas sa tipan sapagkat nagtambal sila kay Allāh at na kayo noon ay mga gumagaya sa mga ninuno ninyo sa natagpuan ninyo sa kanila na pagtatambal para magsabi kayo: "Kaya maninisi Ka ba sa amin, O Panginoon namin, dahil sa ginawa ng mga ninuno namin na nagpawalang-saysay sa mga gawa nila dahil sa pagtatambal sa Iyo saka magpaparusa Ka sa amin? Kaya walang pagkakasala sa amin dahil sa kamangmangan namin at paggaya namin sa mga ninuno namin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba