Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 17)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 17

ثُمَّ لَآتِيَنَّهُمْ مِنْ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَانِهِمْ وَعَنْ شَمَائِلِهِمْ ۖ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَاكِرِينَ 17 ١٧

Pagkatapos talagang pupunta nga ako sa kanila sa harapan nila at sa likuran nila at sa dakong mga kanan nila at sa dakong mga kaliwa nila. Hindi Ka makatatagpo sa higit na marami sa kanila bilang mga tagapagpasalamat.” (17)

Tafsīr
Pagkatapos talagang pupunta nga ako sa kanila sa lahat ng mga dako na may dalang pagpapawalang-bahala sa Kabilang-buhay, pagpapaibig sa Mundo, pagpupukol ng mga maling-akala, at pagpapaganda ng mga masamang nasa. Hindi Ka makatatagpo, O Panginoon, sa higit na marami sa kanila bilang mga tagapagpasalamat sa Iyo dahil sa idinidikta ko sa kanila na kawalang-pananampalataya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba