Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 185)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 185

أَوَلَمْ يَنْظُرُوا فِي مَلَكُوتِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا خَلَقَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ وَأَنْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ قَدِ اقْتَرَبَ أَجَلُهُمْ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ 185 ١٨٥

Hindi ba sila tumingin sa kaharian ng mga langit at lupa at nilikha ni Allāh na bagay, at na marahil maging napalapit na ang taning nila? Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila? (185)

Tafsīr
Hindi ba tumingin ang mga ito nang pagtingin ng pagsasaalang-alang sa paghahari ni Allāh sa mga langit at lupa, tumingin sa nilikha ni Allāh sa mga ito na hayop, halaman, at iba pa sa mga ito, at tumingin sa mga taning nila na marahil ang wakas ng mga ito ay maging nalapit para magbalik-loob sila bago mahuli ang lahat? Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa Qur'ān at anumang nilalaman nito na pangako at banta, sa aling aklat na iba pa rito sumasampalataya sila?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba