Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung mag-aanyaya kayo sa mga ito tungo sa patnubay ay hindi susunod ang mga ito sa inyo. Magkatulad sa inyo na nag-anyaya kayo sa mga ito o kayo ay mga nananahimik. (193)
Tafsīr
Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anitong ito na ginagawa ninyo bilang mga diyos bukod pa kay Allāh tungo sa patnubay ay hindi tutugon ang mga ito sa pag-anyaya ninyo at hindi susunod sa inyo sapagkat magkatulad sa ganang mga ito ang pag-anyaya ninyo sa mga ito at ang pananahimik ninyo sa mga ito dahil ang mga ito ay payak na mga walang-buhay: hindi nag-iisip ang mga ito, hindi nakaririnig ang mga ito, at hindi nagsasalita ang mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: