Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso, saka kumain kayong dalawa mula saanman ninyo loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito para kayong dalawa ay [hindi] maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.” (19)
Tafsīr
Nagsabi si Allāh kay Adan: "O Adan, manahan ka at ang maybahay mong si Eva sa Paraiso, saka kumain kayong dalawa mula rito ng mga kaaya-aya na ninais ninyong dalawa, ngunit huwag kayong kumain mula sa punong-kahoy na ito (isang punong-kahoy na itinakda ni Allāh sa kanilang dalawa) sapagkat tunay na kayong dalawa, kung kumain kayong dalawa mula roon matapos ng pagsaway Ko sa inyong dalawa, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan Ko."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: