Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 205)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 205

وَاذْكُرْ رَبَّكَ فِي نَفْسِكَ تَضَرُّعًا وَخِيفَةً وَدُونَ الْجَهْرِ مِنَ الْقَوْلِ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ وَلَا تَكُنْ مِنَ الْغَافِلِينَ 205 ٢٠٥

Alalahanin mo [O Propeta] ang Panginoon mo sa sarili mo nang may pagpapakumbaba at pangamba at walang kalakasan sa pagsasabi, sa mga umaga at mga hapon, at huwag kang maging kabilang sa mga nalilingat. (205)

Tafsīr
Alalahanin mo, O Sugo, si Allāh, ang Panginoon mo, habang nagpapakaaba na nagpapakumbaba na nangangamba. Gawin mo ang panalangin mo na katamtaman sa pagitan ng pagtataas ng tinig at pagbaba nito sa simula ng maghapon at katapusan nito dahil sa kainaman ng dalawang oras na ito. Huwag kang maging kabilang sa mga nalilingat sa pag-alaala kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba