Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 22

فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ ۚ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ ۖ وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَنْ تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُلْ لَكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُبِينٌ 22 ٢٢

Kaya nagpamithi siya sa kanilang dalawa dahil sa isang pagkalinlang. Kaya noong nakatikim silang dalawa sa [bunga ng] punong-kahoy ay natambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa at nagsimula silang dalawa na magkapit sa kanilang dalawa ng mula sa mga dahon ng Paraiso. Nanawagan sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa: “Hindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa punong-kahoy na iyon at nagsabi sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo para sa inyong dalawa ay isang kaaway na malinaw?” (22)

Tafsīr
Kaya nagpabagsak Siya sa kanilang dalawa mula sa kalagayang dati silang dalawa naroon dahil sa panlilinlang mula sa kanya at kahibangan. Kaya noong nakakain silang dalawa mula sa punong-kahoy na sinaway silang dalawa laban sa pagkain mula roon, lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa na nakalantad kaya nagsimula silang dalawa na magdikit sa kanilang dalawa ng mga dahon ng Paraiso upang tumakip sa kahubaran nilang dalawa. Nanawagan sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa: "Hindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa pagkain mula sa punong-kahoy na ito at nagsabi sa inyong dalawa habang nagbibigay-babala sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo ay isang kaaway para sa inyong dalawa, na malinaw ang pangangaway?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba