Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi silang dalawa: “Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi.” (23)
Tafsīr
Nagsabi sina Adan at Eva: "O Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin dahil sa paggawa ng sinaway mo sa amin laban sa pagkain mula sa punong-kahoy. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin sa mga pagkakasala namin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi dahil sa pagsasayang namin sa bahagi namin sa Mundo at Kabilang-buhay."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: