Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 32

قُلْ مَنْ حَرَّمَ زِينَةَ اللَّهِ الَّتِي أَخْرَجَ لِعِبَادِهِ وَالطَّيِّبَاتِ مِنَ الرِّزْقِ ۚ قُلْ هِيَ لِلَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا خَالِصَةً يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ 32 ٣٢

Sabihin mo: “Sino ang nagbawal sa gayak ni Allāh na pinalabas Niya para sa mga lingkod Niya at sa mga kaaya-aya mula sa panustos?” Sabihin mo: “Ito ay para sa mga sumampalataya sa [sandali ng] buhay sa Mundo samantalang nakalaan [sa kanila] sa Araw ng Pagbangon.” Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong umaalam. (32)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa mga tagapagtambal na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh na kasuutan at mga kaaya-aya kabilang sa mga pagkain at iba pa: "Sino ang nagbawal sa inyo ng kasuutan na gayak para sa inyo? Sino ang nagbawal sa inyo ng mga kaaya-aya kabilang sa mga pagkain, mga inumin, at iba pa sa mga ito mula sa itinustos sa inyo ni Allāh?" Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga kaaya-ayang iyon ay para sa mga mananampalataya [habang] nasa buhay na pangmundo." Kung nakilahok man sa kanila ang iba pa sa kanila sa Mundo, iyon ay laan naman sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Hindi makikilahok sa kanila roon ang isang tagatangging sumampalataya dahil ang Paraiso ay ipinagbabawal sa mga tagatangging sumampalataya. Tulad ng pagdedetalyeng ito, nagdedetalye Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatatalos dahil sila ang mga makikinabang sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba