Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Ang mga iyon, aabot sa kanila ang bahagi nila mula sa talaan; hanggang sa nang dumating sa kanila ang mga sugo Namin habang magpapapanaw sa kanila ay magsasabi ang mga ito: “Nasaan ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh?” Magsasabi naman sila: “Nawala sila sa amin.” Sasaksi sila laban sa mga sarili nila na sila ay noon mga tagatangging sumampalataya. (37)
Tafsīr
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal sa Kanya o ng kakulangan o ng pagsabi laban sa Kanya ng hindi naman Niya sinabi, o nagpasinungaling sa mga tanda Niyang hayag na nagpapatnubay tungo sa landasin Niyang tuwid. Ang mga nailalarawang iyon sa pamamagitan niyon ay aabot sa kanila ang bahagi nilang naitakda para sa kanila sa Tablerong Pinag-iingatan, na kabutihan o kasamaan,. Hanggang sa kapag dumating sa kanila ang anghel ng kamatayan at ang mga tagatulong nito na mga anghel para kunin ang mga kaluluwa nila, magsasabi ang mga ito sa kanila bilang paninisi sa kanila: "Nasaan ang mga diyos na dati ninyong sinasamba bukod pa kay Allāh? Dumalangin kayo sa mga iyon upang magpakinabang ang mga iyon sa inyo!" Magsasabi ang mga tagapagtambal sa mga anghel: "Talaga ngang umalis palayo sa amin ang mga diyos na dati naming sinasamba at naglaho sila kaya hindi namin nalalaman kung nasaan sila." Kumilala sila laban sa mga sarili nila na sila noon ay mga tagatangging sumampalataya subalit ang pagkilala nila sa sandaling iyon ay isang katwiran laban sa kanila at hindi magpapakinabang sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: