Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 40

إِنَّ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمْ أَبْوَابُ السَّمَاءِ وَلَا يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ الْجَمَلُ فِي سَمِّ الْخِيَاطِ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُجْرِمِينَ 40 ٤٠

Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] at nagmalaki sa mga ito ay hindi bubuksan para sa kanila ang mga pinto ng langit at hindi sila papasok sa Paraiso hanggang sa lumagos ang kamelyo sa mata ng karayom. Gayon Kami gaganti sa mga salarin. (40)

Tafsīr
Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Naming maliwanag at nagpakamapagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapaakay at pagpapahinuhod sa mga ito ay mga nawawalan ng pag-asa sa bawat kabutihan sapagkat hindi bubuksan ang mga pinto ng langit para sa mga gawa nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila ni para sa mga kaluluwa nila kapag namatay sila. Hindi sila papasok sa Paraiso magpakailanman hanggang sa pumasok ang kamelyo – na kabilang sa pinakamalaki sa mga hayop – sa butas ng karayom – na kabilang sa pinakamasikip sa mga bagay. Ito ay kabilang sa imposible kaya ang nakaugnay rito, ang pagpasok nila sa Paraiso, ay imposible. Tulad ng ganting ito gaganti si Allāh sa sinumang bumigat ang mga pagkakasala niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba