Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 43)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 43

وَنَزَعْنَا مَا فِي صُدُورِهِمْ مِنْ غِلٍّ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ ۖ وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي هَدَانَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهْتَدِيَ لَوْلَا أَنْ هَدَانَا اللَّهُ ۖ لَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ ۖ وَنُودُوا أَنْ تِلْكُمُ الْجَنَّةُ أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 43 ٤٣

Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na pagkamuhi, habang dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog. Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpatnubay sa amin para rito. Hindi sana kami naging ukol mapatnubayan kung sakaling hindi dahil nagpatnubay sa amin si Allāh. Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon namin ng katotohanan.” Tatawagin sila: “Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa [na kabutihan].” (43)

Tafsīr
Bahagi ng kalubusan ng kaginhawahan nila sa Paraiso ay na magtatanggal si Allāh ng anumang nasa mga puso nila na pagkamuhi at ngitngit, at magpapadaloy Siya ng mga ilog mula sa ilalim nila. Magsasabi sila habang mga umaamin kay Allāh ng pagbibiyaya Niya sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtuon sa amin para sa gawang maayos na ito, na nagpakamit sa amin ng kalagayang ito. Hindi sana kami naging ukol maituon doon mula sa pagkukusa ng mga sarili namin kung sakaling hindi dahil si Allāh ay nagtuon sa amin doon. Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon namin ng katotohanang walang pag-aalangan hinggil doon at ng katapatan sa pangako at banta." May mananawagan sa kanila na isang tagapanawagan: "Ito ay ang Paraiso na ipinabatid sa inyo ng mga sugo Ko sa Mundo. Ipinasunod kayo ni Allāh doon dahil sa dati ninyong ginagawa na mga gawang maayos na nagnanais kayo dahil sa mga ito [ng ikalulugod] ng mukha ni Allāh."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba