Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 50

وَنَادَىٰ أَصْحَابُ النَّارِ أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ أَفِيضُوا عَلَيْنَا مِنَ الْمَاءِ أَوْ مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ ۚ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى الْكَافِرِينَ 50 ٥٠

Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: “Magpabaha kayo sa amin ng tubig o ng anumang itinustos sa inyo ni Allāh.” Magsasabi ang mga ito: “Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tagatangging sumampalataya, (50)

Tafsīr
Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na mga humihiling sa mga ito habang mga nagsasabi: "Magpalawak kayo sa pagbuhos ng tubig sa amin, O mga naninirahan sa Paraiso, o anumang itinustos sa inyo ni Allāh na pagkain." Magsasabi ang mga naninirahan sa Paraiso: "Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tagatangging sumampalataya dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at tunay na kami ay hindi magsasaklolo sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba