Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 53)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 53

هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا تَأْوِيلَهُ ۚ يَوْمَ يَأْتِي تَأْوِيلُهُ يَقُولُ الَّذِينَ نَسُوهُ مِنْ قَبْلُ قَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ فَهَلْ لَنَا مِنْ شُفَعَاءَ فَيَشْفَعُوا لَنَا أَوْ نُرَدُّ فَنَعْمَلَ غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ قَدْ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ 53 ٥٣

Naghihintay kaya sila maliban pa ng pagsasakatuparan nito? Sa araw na pupunta ang pagsasakatuparan nito ay magsasabi ang mga lumimot nito bago pa niyan: “Naghatid nga ang mga sugo ng Panginoon Namin ng katotohanan, kaya mayroon ba kaming anumang mga tagapagpamagitan para mamagitan sila para sa amin, o pababalikin kami [sa Mundo] para gumawa kami ng iba sa dati naming ginagawa?” Nagpalugi nga sila ng mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginawa-gawa. (53)

Tafsīr
Hindi naghihintay ang mga tagatangging sumampalataya maliban ng pagkaganap ng ipinabatid sa kanila na pagkaganap nito na pagdurusang masakit, na mauuwi roon ang nauukol sa kanila sa Kabilang-buhay, sa Araw na pupunta ang ipinabatid sa kanila mula roon at ang ipinabatid sa mga mananampalataya na gantimpala. Magsasabi ang mga lumimot sa Qur'ān sa Mundo at hindi gumawa ayon sa nasaad dito: "Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon Namin ng katotohanan na walang pag-aalangan hinggil doon at walang duda na ito ay mula sa ganang kay Allāh. Kaya kung sana mayroon kaming mga tagapagpagitna na mamamagitan para sa amin sa piling ni Allāh upang palampasin Niya sa amin ang pagdurusa; o kung sana kami ay manunumbalik sa buhay na pangmundo upang gumawa ng gawang maayos, na maliligtas kami sa pamamagitan nito, sa halip ng dati naming ginagawa na mga masagwang gawa." Nagpalugi nga ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Nawala sa kanila ang dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh saka hindi nakapagpakinabang ang mga ito sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba