Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Manalangin kayo sa Panginoon ninyo nang may pagpapakumbaba at pagkukubli. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag. (55)
Tafsīr
Manalangin kayo, O mga mananampalataya, sa Panginoon ninyo nang may pagpapakaabang lubusan at pagpapakumbabang pakubli at palihim, habang mga nagpapakawagas sa pagdalangin, na hindi mga nagpapakitang-tao ni mga nagtatambal sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa iba pa sa Kanya sa pagdalangin. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya sa pagdalangin. Kabilang sa pinakamabigat na paglampas sa mga hangganan Niya sa pagdalangin ay ang pagdalangin sa iba pa sa Kanya kasama sa Kanya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: