Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang bayang kaaya-aya ay lumalabas ang tanim nito ayon sa pahintulot ng Panginoon nito at ang naging karima-rimarim ay hindi lumalabas ito kundi pahirapan. Gayon Kami nagsarisari ng mga tanda para sa mga taong nagpapasalamat. (58)
Tafsīr
Ang bayang kaaya-aya ay nagpapalabas ng tanim nito ayon sa pahintulot ni Allāh ayon sa isang pagpapalabas na maganda at lubos. Gayon din ang mananampalataya, nakaririnig siya ng pangaral kaya nakikinabang siya rito saka nagdudulot ito ng gawang maayos. Ang lupang babad sa maalat na tubig ay hindi nagpapalabas ng tanim nito malibang may kahirapan, na walang kabutihan dito. Gayon din ang tagatangging sumampalataya, hindi siya nakikinabang sa mga pangaral kaya hindi nagdudulot sa kanya ng gawang maayos na pinakikinabangan niya. Tulad ng pagsasarisaring kahanga-hangang ito, nagsarisari si Allāh ng mga patotoo at mga katwiran para sa pagpapatibay sa katotohanan para sa mga taong nagpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh kaya hindi sila nagkakaila ng mga ito at tumatalima sila sa Panginoon nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: