Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya pinaligtas Namin siya at ang mga kasama sa kanya dahil sa isang awa mula sa Amin. Pumutol Kami sa ugat ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Sila noon ay hindi mga mananampalataya. (72)
Tafsīr
Kaya nagbigay-kaligtasan Kami kay Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya dahil sa isang awa mula sa Amin. Pumuksa Kami sa pamamagitan ng pagkapahamak ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Sila noon ay hindi mga mananampalataya, bagkus sila noon ay mga tagapagpasinungaling kaya naging karapat-dapat sila sa pagdurusa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: