Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 78)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 78

فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ 78 ٧٨

Kaya dumaklot sa kanila ang yanig, saka sila, sa tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob. (78)

Tafsīr
Kaya dumating sa mga tagatangging sumampalataya ang minadali nila na pagdurusa yayamang kumuha sa kanila ang matinding lindol, saka sila ay naging mga nakabuwal na nakadikit ang mga mukha nila at ang mga tuhod nila sa lupa. Walang nakaligtas kabilang sa kanila na isa man mula sa kapahamakan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba