Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 82)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 82

وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَخْرِجُوهُمْ مِنْ قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ 82 ٨٢

Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Palabasin ninyo sila mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakadalisay.” (82)

Tafsīr
Walang iba ang tugon ng mga kababayan niyang tagagawa ng malaswang gawaing ito tungkol sa minasama niya sa kanila kundi na nagsabi sila habang mga tumututol sa katotohanan: "Palabasin ninyo si Lot at ang mag-anak niya mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapawalang-ugnayan sa gawain nating ito, kaya hindi naaangkop sa atin na manatili sila sa gitna natin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba