Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 88)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 88

قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لَنُخْرِجَنَّكَ يَا شُعَيْبُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَكَ مِنْ قَرْيَتِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۚ قَالَ أَوَلَوْ كُنَّا كَارِهِينَ 88 ٨٨

Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya: “Talagang magpapalabas nga Kami sa iyo, O Shu`ayb, at sa mga sumampalataya kasama sa iyo mula sa pamayanan natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan namin.” Nagsabi siya: “Kahit ba kami ay naging mga nasusuklam? (88)

Tafsīr
Nagsabi kay Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga malaking tao at ang mga pangulo na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi ni Shu`ayb: "Talagang magpapalabas nga Kami sa iyo, O Shu`ayb, mula sa pamayanan nating ito, sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga naniwala sa iyo, o talagang babalik nga kayo sa relihiyon natin." Nagsabi sa kanila si Shu`ayb habang nagmamasama at namamangha: "Makikisunod ba kami sa relihiyon ninyo at kapaniwalaan ninyo kahit pa man kami ay naging mga nasusuklam doon dahil sa pagkakaalam namin sa kabulaanan ng nasa inyo?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba