Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanan ay sumampalataya at nangilag magkasala, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pagpapala mula sa langit at lupa subalit nagpasinungaling sila kaya dumaklot Kami sa kanila dahil sa dati nilang kinakamit [na mga kasalanan]. (96)
Tafsīr
Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanang ito na nagsugo Kami sa mga ito ng mga sugo Namin ay naniwala sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pag-iwan sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng kabutihan mula sa bawat dako. Subalit sila ay hindi naniwala at hindi nangilag magkasala, bagkus nagpasinungaling sila sa inihatid ng mga sugo nila, kaya dumaklot Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa nang bigla dahilan sa dati nilang kinakamit na mga kasalanan at mga pagkakasala.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: