Surah Al-Jinn (Ang mga Jinn — الجن) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




72 Al-Jinn(الجن), Talata 14

وَأَنَّا مِنَّا الْمُسْلِمُونَ وَمِنَّا الْقَاسِطُونَ ۖ فَمَنْ أَسْلَمَ فَأُولَٰئِكَ تَحَرَّوْا رَشَدًا 14 ١٤

Na kami, kabilang sa amin ang mga Muslim [na nagpasakop kay Allāh] at kabilang sa amin ang mga tagalihis; saka ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay sumadya sa isang paggabay. (14)

Tafsīr
Na kami, kabilang sa amin ang mga tagapagpasakop na mga nagpapaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima, at kabilang sa amin ang mga tagaliko palayo sa daan ng pagkakatamtaman at pagpapakatuwid; saka ang sinumang nagpasailalim kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima at gawang maayos, ang mga iyon ay ang lumayon ng kapatnubayan at katumpakan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba