Surah Al-Jinn (Ang mga Jinn — الجن) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




72 Al-Jinn(الجن), Talata 22

قُلْ إِنِّي لَنْ يُجِيرَنِي مِنَ اللَّهِ أَحَدٌ وَلَنْ أَجِدَ مِنْ دُونِهِ مُلْتَحَدًا 22 ٢٢

Sabihin mo: “Tunay na ako ay hindi kakalingain laban kay Allāh ng isa man [kung susuway ako sa Kanya] at hindi makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan, (22)

Tafsīr
Sabihin mo sa kanila: "Hindi makapagliligtas sa akin laban kay Allāh ang isa man kung sumuway ako sa Kanya, at hindi ako makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang pinagkakandilian na magpapakandili ako roon,

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba