Surah Al-Jinn (Ang mga Jinn — الجن) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




72 Al-Jinn(الجن), Talata 8

وَأَنَّا لَمَسْنَا السَّمَاءَ فَوَجَدْنَاهَا مُلِئَتْ حَرَسًا شَدِيدًا وَشُهُبًا 8 ٨

Na kami ay nagtangkang umabot sa langit ngunit natagpuan namin na iyon ay pinuno ng mga tanod na matindi at mga bulalakaw. (8)

Tafsīr
Na kami ay naghanap ng ulat ng langit ngunit natagpuan namin na ang langit ay pinuno ng mga tanod na malakas kabilang sa mga anghel na nagtatanod doon laban sa pagnanakaw ng pakikinig na dati naming isinasagawa, at pinuno ng apoy na nagliliyab na ipinapampukol sa bawat sinumang lumalapit sa langit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba