Surah An-Naba’ (Ang Balita) — سُورَةُ النبأ
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
عَمَّ يَتَسَاءَلُونَ i
Tungkol sa ano nagtatanungan sila [na mga tagapagtambal]? (1)
عَنِ النَّبَإِ الْعَظِيمِ i
Tungkol sa balitang dakila [ng Qur’ān], (2)
الَّذِي هُمْ فِيهِ مُخْتَلِفُونَ i
na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba. (3)
كَلَّا سَيَعْلَمُونَ i
Aba’y hindi! Makaaalam sila. (4)
ثُمَّ كَلَّا سَيَعْلَمُونَ i
Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila. (5)
أَلَمْ نَجْعَلِ الْأَرْضَ مِهَادًا i
Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag (6)
وَالْجِبَالَ أَوْتَادًا i
at sa mga bundok bilang mga tulos? (7)
وَخَلَقْنَاكُمْ أَزْوَاجًا i
Lumikha Kami sa inyo na magkapares. (8)
وَجَعَلْنَا نَوْمَكُمْ سُبَاتًا i
Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga. (9)
وَجَعَلْنَا اللَّيْلَ لِبَاسًا i
Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan. (10)
وَجَعَلْنَا النَّهَارَ مَعَاشًا i
Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan. (11)
وَبَنَيْنَا فَوْقَكُمْ سَبْعًا شِدَادًا i
Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong [langit na] matindi. (12)
وَجَعَلْنَا سِرَاجًا وَهَّاجًا i
Gumawa Kami ng [araw bilang] isang sulo na palaliyab. (13)
وَأَنْزَلْنَا مِنَ الْمُعْصِرَاتِ مَاءً ثَجَّاجًا i
Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos (14)
لِنُخْرِجَ بِهِ حَبًّا وَنَبَاتًا i
upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman (15)
وَجَنَّاتٍ أَلْفَافًا i
at mga harding magkakapulupot. (16)
إِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ كَانَ مِيقَاتًا i
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras (17)
يَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ فَتَأْتُونَ أَفْوَاجًا i
sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong. (18)
وَفُتِحَتِ السَّمَاءُ فَكَانَتْ أَبْوَابًا i
Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan. (19)
وَسُيِّرَتِ الْجِبَالُ فَكَانَتْ سَرَابًا i
Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata. (20)
إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتْ مِرْصَادًا i
Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang, (21)
لِلطَّاغِينَ مَآبًا i
na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian, (22)
لَابِثِينَ فِيهَا أَحْقَابًا i
na mga mamamalagi roon sa mga yugto. (23)
لَا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرْدًا وَلَا شَرَابًا i
Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin, (24)
إِلَّا حَمِيمًا وَغَسَّاقًا i
maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana (25)
جَزَاءً وِفَاقًا i
bilang ganting angkop [sa masagwang gawa]. (26)
إِنَّهُمْ كَانُوا لَا يَرْجُونَ حِسَابًا i
Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos. (27)
وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا كِذَّابًا i
Nagpasinungaling sila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] nang isang [tahasang] pagpapasinungaling. (28)
وَكُلَّ شَيْءٍ أَحْصَيْنَاهُ كِتَابًا i
Sa bawat bagay [mula sa mga gawa ninyo ay nag-isa-isa sa isang talaan. (29)
فَذُوقُوا فَلَنْ نَزِيدَكُمْ إِلَّا عَذَابًا i
Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa. (30)
إِنَّ لِلْمُتَّقِينَ مَفَازًا i
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan [ng hinihiling nila] (31)
حَدَائِقَ وَأَعْنَابًا i
ng mga hardin at mga ubasan [sa Paraiso], (32)
وَكَوَاعِبَ أَتْرَابًا i
ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkasinggulang, (33)
وَكَأْسًا دِهَاقًا i
at ng kopang pinuno [ng alak]. (34)
لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا وَلَا كِذَّابًا i
Hindi sila makaririnig doon [sa Paraiso] ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling, (35)
جَزَاءً مِنْ رَبِّكَ عَطَاءً حِسَابًا i
bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit (36)
رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا الرَّحْمَٰنِ ۖ لَا يَمْلِكُونَ مِنْهُ خِطَابًا i
[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap [malibang may pahintulot]. (37)
يَوْمَ يَقُومُ الرُّوحُ وَالْمَلَائِكَةُ صَفًّا ۖ لَا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنْ أَذِنَ لَهُ الرَّحْمَٰنُ وَقَالَ صَوَابًا i
Sa Araw na tatayo ang Espiritu [na si Anghel Gabriel] at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak. (38)
ذَٰلِكَ الْيَوْمُ الْحَقُّ ۖ فَمَنْ شَاءَ اتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِ مَآبًا i
Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian. (39)
إِنَّا أَنْذَرْنَاكُمْ عَذَابًا قَرِيبًا يَوْمَ يَنْظُرُ الْمَرْءُ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ وَيَقُولُ الْكَافِرُ يَا لَيْتَنِي كُنْتُ تُرَابًا i
Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang [maganda o masagwang gawa na] ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: “O kung sana ako ay naging alabok!” (40)