Surah An-Nāzi‘āt (Ang mga Umaagaw) — سُورَةُ النازعات
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَالنَّازِعَاتِ غَرْقًا i
Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis sa isang paghatak [na marahas], (1)
وَالنَّاشِطَاتِ نَشْطًا i
sumpa man sa mga [anghel na] humahablot sa isang paghunos [malumanay], (2)
وَالسَّابِحَاتِ سَبْحًا i
sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy, (3)
فَالسَّابِقَاتِ سَبْقًا i
saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima], (4)
فَالْمُدَبِّرَاتِ أَمْرًا i
saka sa mga [anghel na] nagpapatupad ng utos, (5)
يَوْمَ تَرْجُفُ الرَّاجِفَةُ i
sa araw na yayanig ang tagayanig, (6)
تَتْبَعُهَا الرَّادِفَةُ i
at susunod dito ang kasunod [na pag-ihip sa tambuli]. (7)
قُلُوبٌ يَوْمَئِذٍ وَاجِفَةٌ i
May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog. (8)
أَبْصَارُهَا خَاشِعَةٌ i
Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba. (9)
يَقُولُونَ أَإِنَّا لَمَرْدُودُونَ فِي الْحَافِرَةِ i
Nagsasabi sila [sa Mundo]: “Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan? (10)
أَإِذَا كُنَّا عِظَامًا نَخِرَةً i
Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?” (11)
قَالُوا تِلْكَ إِذًا كَرَّةٌ خَاسِرَةٌ i
Magsasabi sila: “Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi.” (12)
فَإِنَّمَا هِيَ زَجْرَةٌ وَاحِدَةٌ i
Ngunit ito ay nag-iisang bulyaw lamang, (13)
فَإِذَا هُمْ بِالسَّاهِرَةِ i
saka biglang sila ay [buhay] sa balat ng lupa. (14)
هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ مُوسَىٰ i
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises? (15)
إِذْ نَادَاهُ رَبُّهُ بِالْوَادِ الْمُقَدَّسِ طُوًى i
Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā: (16)
اذْهَبْ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ إِنَّهُ طَغَىٰ i
“Pumunta ka kay Paraon – tunay na siya ay nagmalabis – (17)
فَقُلْ هَلْ لَكَ إِلَىٰ أَنْ تَزَكَّىٰ i
saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyo na magpakabusilak ka (18)
وَأَهْدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخْشَىٰ i
at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?” (19)
فَأَرَاهُ الْآيَةَ الْكُبْرَىٰ i
Kaya ipinakita niya rito ang tandang pinakamalaki [na himala ng tungkod at puting kamay], (20)
فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ i
ngunit nagpasinungaling ito at sumuway ito. (21)
ثُمَّ أَدْبَرَ يَسْعَىٰ i
Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises]. (22)
فَحَشَرَ فَنَادَىٰ i
Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan (23)
فَقَالَ أَنَا رَبُّكُمُ الْأَعْلَىٰ i
saka nagsabi: “Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas.” (24)
فَأَخَذَهُ اللَّهُ نَكَالَ الْآخِرَةِ وَالْأُولَىٰ i
Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa sa Kabilang-buhay at Unang-buhay. (25)
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِمَنْ يَخْشَىٰ i
Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh]. (26)
أَأَنْتُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَمِ السَّمَاءُ ۚ بَنَاهَا i
Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya? (27)
رَفَعَ سَمْكَهَا فَسَوَّاهَا i
Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito. (28)
وَأَغْطَشَ لَيْلَهَا وَأَخْرَجَ ضُحَاهَا i
Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito. (29)
وَالْأَرْضَ بَعْدَ ذَٰلِكَ دَحَاهَا i
Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito. (30)
أَخْرَجَ مِنْهَا مَاءَهَا وَمَرْعَاهَا i
Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito. (31)
وَالْجِبَالَ أَرْسَاهَا i
Sa mga bundok ay nag-angkla, (32)
مَتَاعًا لَكُمْ وَلِأَنْعَامِكُمْ i
bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo. (33)
فَإِذَا جَاءَتِ الطَّامَّةُ الْكُبْرَىٰ i
Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki – (34)
يَوْمَ يَتَذَكَّرُ الْإِنْسَانُ مَا سَعَىٰ i
sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya [na mabuti o masama] (35)
وَبُرِّزَتِ الْجَحِيمُ لِمَنْ يَرَىٰ i
at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita – (36)
فَأَمَّا مَنْ طَغَىٰ i
hinggil sa sinumang nagmalabis (37)
وَآثَرَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا i
at nagtangi sa buhay na pangmundo, (38)
فَإِنَّ الْجَحِيمَ هِيَ الْمَأْوَىٰ i
tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan; (39)
وَأَمَّا مَنْ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِ وَنَهَى النَّفْسَ عَنِ الْهَوَىٰ i
hinggil sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya, (40)
يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا i
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon? (42)
فِيمَ أَنْتَ مِنْ ذِكْرَاهَا i
Nasa ano ka para bumanggit niyon? (43)
إِلَىٰ رَبِّكَ مُنْتَهَاهَا i
Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan [ng kaalaman] niyon. (44)
إِنَّمَا أَنْتَ مُنْذِرُ مَنْ يَخْشَاهَا i
Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon. (45)
كَأَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَهَا لَمْ يَلْبَثُوا إِلَّا عَشِيَّةً أَوْ ضُحَاهَا i
Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi [sa Mundo] maliban sa isang hapon o isang umaga nito. (46)