Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 10)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi gumawa niyon si Allāh kundi bilang balitang nakagagalak at upang mapanatag doon ang mga puso ninyo. Walang pagwawagi kundi mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. (10)
Tafsīr
Hindi gumawa si Allāh ng pag-ayuda sa mga anghel malibang bilang pagbabalita ng nakalulugod sa inyo, O mga mananampalataya, dahil Siya ay magpapawagi sa inyo laban sa kaaway ninyo at upang tumahan ang mga puso ninyo habang mga nakatitiyak sa pagwawagi. Ang pagwawagi ay hindi sa pamamagitan ng dami ng bilang at ng pagkakaroon ng mga kasangkapan. Ang pagwawagi ay mula sa ganang kay Allāh lamang – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan sa paghahari Niya: hindi Siya napananaigan ng isa man, Marunong sa batas Niya at pagtatakda Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: