Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 1)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga samsam sa digmaan? Sabihin mo: “Ang [pumapatungkol sa] mga samsam sa digmaan ay ukol kay Allāh at sa Sugo.” Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsaayos kayo ng nasa pagitan ninyo. Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, kung kayo ay mga mananampalataya. (1)
Tafsīr
Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Sugo, tungkol sa mga samsam sa digmaan kung papaano kang nagbabahagi ng mga ito at kung magiging sa kanino ang bahagi? Sabihin mo, O Sugo, bilang sumasagot sa tanong nila: "Ang mga samsam sa digmaan ay ukol kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang patakaran sa mga ito ay sa kay Allāh at sa Sugo Niya kaugnay sa pamamalakad at pamamahagi, kaya walang kailangan sa inyo kundi ang pagpapaakay at ang pagpapasakop." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Magsaayos kayo ng nasa pagitan ninyo na pagpuputulan ng ugnayan at pagtatalikuran sa pamamagitan ng pagmamahalan, pag-uugnayan, kagandahan ng kaasalan, at pagpapaumanhin. Manatili kayo sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya kung kayo ay totohanang mga mananampalataya dahil ang pananampalataya ay nagbubuyo sa pagtalima at paglayo sa pagsuway. Nangyari ang tanong na ito matapos ng labanan sa Badr.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: