Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 27)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, huwag kayong magtaksil kay Allāh at sa Sugo at magtaksil sa mga ipinagkatiwala sa inyo habang kayo ay nakaaalam. (27)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sa sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong magtaksil kay Allāh at sa Sugo sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsunod sa mga ipinag-uutos at hindi pag-iwas sa mga sinasaway, at huwag kayong magtaksil sa anumang ipinagkatiwala sa inyo na pagkakautang at iba pa rito habang kayo ay nakaaalam na ang isinagawa ninyo ay isang pagtataksil para kayo ay maging kabilang sa mga taksil.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: