Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 29)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, kung mangingilag kayong magkasala kay Allāh ay gagawa Siya para sa inyo ng isang pamantayan [ng tama at mali], magtatakip-sala Siya para sa inyo ng mga masagwang gawa ninyo, at magpapatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay ang may kabutihang-loob na sukdulan. (29)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, alamin ninyo na kung mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay gagawa Siya para sa inyo ng ipantatalos ninyo ng kaibahan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, kaya hindi makalilito ang dalawang ito sa inyo, magpapawi Siya sa inyo ng nagawa ninyo na mga masagwang gawa, at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay ang may kabutihang-loob na sukdulan. Bahagi ng kabutihang-loob Niyang sukdulan ay ang Paraiso Niya na inihanda Niya para sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: