Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 2)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila, (2)
Tafsīr
Ang mga mananampalataya sa totoo lamang ay ang mga kapag nabanggit si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nangangamba ang mga puso nila, kaya naaakay ang mga puso nila at ang mga katawan nila sa pagtalima, at kapag binigkas sa kanila ang mga talata ni Allāh ay nagmumuni-muni sila sa mga ito, saka nadaragdagan sila ng pananampalataya [bilang karagdagan] sa dating pananampalataya nila. Sa Panginoon nila lamang sila sumasandal sa pagtamo ng mga nagsasaayos sa kanila at sa pagtulak sa mga natitiwali sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: