Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 32

وَإِذْ قَالُوا اللَّهُمَّ إِنْ كَانَ هَٰذَا هُوَ الْحَقَّ مِنْ عِنْدِكَ فَأَمْطِرْ عَلَيْنَا حِجَارَةً مِنَ السَّمَاءِ أَوِ ائْتِنَا بِعَذَابٍ أَلِيمٍ 32 ٣٢

[Banggitin] noong nagsabi sila: “O Allāh, kung ito ay ang katotohanan mula sa ganang Iyo, magpaulan Ka sa amin ng mga bato mula sa langit o magdala Ka sa amin ng isang pagdurusang masakit.” (32)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang mga tagapagtambal: "O Allāh, kung ang inihatid ni Muḥammad ay katotohanan, magpabagsak Ka sa amin ng mga bato mula sa langit na magpapahamak sa amin o magdala Ka sa amin ng isang pagdurusang matindi." Nagsabi sila niyon bilang pagpapalabis sa pagtanggi at pagkakaila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba