Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 39

وَقَاتِلُوهُمْ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتْنَةٌ وَيَكُونَ الدِّينُ كُلُّهُ لِلَّهِ ۚ فَإِنِ انْتَهَوْا فَإِنَّ اللَّهَ بِمَا يَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 39 ٣٩

Makipaglaban kayo sa kanila [na nakikipaglaban sa inyo] hanggang sa walang mangyaring ligalig at mangyaring ang relihiyon sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh. Kaya kung tumigil sila, tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila ay Nakakikita. (39)

Tafsīr
Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya hanggang sa walang mangyaring shirk at pagsagabal para sa mga Muslim sa relihiyon ni Allāh, at ang relihiyon at ang pagtalima ay ukol kay Allāh lamang: walang katambal sa Kanya roon. Kaya kung tumigil ang mga tagatangging sumampalataya sa dati nilang ginagawa na shirk at pagsagabal sa landas ni Allāh ay hayaan ninyo sila sapagkat tunay na si Allāh ay nakababatid sa mga gawa nila: walang nakakukubli sa Kanya na isang nagkukubli.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba