Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 41)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 41

وَاعْلَمُوا أَنَّمَا غَنِمْتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَأَنَّ لِلَّهِ خُمُسَهُ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ إِنْ كُنْتُمْ آمَنْتُمْ بِاللَّهِ وَمَا أَنْزَلْنَا عَلَىٰ عَبْدِنَا يَوْمَ الْفُرْقَانِ يَوْمَ الْتَقَى الْجَمْعَانِ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 41 ٤١

Alamin ninyo na ang nasamsam ninyo [sa digmaan] na anumang bagay ay na para kay Allāh ang ikalima nito, para sa Sugo, at para sa may pagkakamag-anak [sa kanya], mga ulila, mga dukha, at manlalakbay na kinapos sa daan, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh at sa pinababa sa Lingkod sa araw ng pagtatangi [ng katotohanan sa kabulaanan], sa araw na nagkita ang dalawang pangkat [sa labanan sa Badr]. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (41)

Tafsīr
Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na ang nakuha ninyo na anuman mula sa mga tagatangging sumampalataya dala ng panggagapi sa pakikibaka sa landas ni Allāh, tunay na ito ay hahatiin sa limang bahagi. Ang apat na ikalimang bahagi mula sa mga ito ay hahatiin para sa mga nakikibaka at ang natitirang ikalimang bahagi ay hahatiin sa limang bahagi: isang bahagi para kay Allāh at sa Sugo Niya na gugugulin sa mga guguling pampubliko para sa mga Muslim, isang bahagi para sa kaanak ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kabilang sa angkan ni Hāshim at angkan ni Al-Muṭṭalib, isang bahagi para sa mga ulila, isang bahagi para sa mga maralita at mga dukha, at isang bahagi para sa mga manlalakbay na kinapos sa mga daan. [Ito ay] kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh at sa pinababa sa Lingkod Niya na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Araw ng Badr na nagtangi si Allāh sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan nang nag-adya Siya sa inyo laban sa mga kaaway ninyo. Si Allāh na nag-adya sa inyo ay May-kakayahan sa bawat bagay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba