Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 45

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا لَقِيتُمْ فِئَةً فَاثْبُتُوا وَاذْكُرُوا اللَّهَ كَثِيرًا لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ 45 ٤٥

O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa isang pangkat [ng kaaway] ay magpakatatag kayo at umalaala kayo kay Allāh nang madalas, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (45)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kapag humarap kayo sa isang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya ay magpakatatag kayo sa sandali ng pakikipaglaban sa kanila at huwag kayong maduwag. Umalaala kayo kay Allāh nang madalas at dumalangin kayo sa Kanya, sapagkat Siya ay ang Nakakakaya sa pagpapawagi sa inyo laban sa kanila, sa pag-asang magpatamo Siya sa inyo ng hinihiling ninyo at magpaiwas Siya sa inyo sa pinangingilagan ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba