Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 47

وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ خَرَجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ بَطَرًا وَرِئَاءَ النَّاسِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطٌ 47 ٤٧

Huwag kayong maging gaya ng mga lumabas mula sa mga tahanan nila dala ng kawalang-pakundangan at pagpapakitang-tao sa mga tao at sumasagabal sa landas ni Allāh. Si Allāh, sa anumang ginagawa nila, ay Tagapaligid. (47)

Tafsīr
Huwag kayong maging tulad ng mga tagapagtambal na lumabas mula sa Makkah dala ng pagmamalaki at pagpapakitang-gilas sa mga tao. Sumasagabal sila sa mga tao sa Relihiyon ni Allāh at humadlang sila sa mga ito sa pagpasok doon. Si Allāh sa anumang ginagawa nila ay Tagasaklaw: walang nakakukubli sa Kanya anuman sa mga gawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba