Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 57)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya kung makasusumpong ka nga naman sa kanila sa digmaan ay magpawatak-watak ka sa pamamagitan nila ng sinumang nasa likuran nila, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. (57)
Tafsīr
Kaya kung nakipagharap ka, O Sugo, sa mga tagasirang ito sa mga tipan nila sa digmaan, magparusa ka ng magsisilbing aral sa kanila ayon sa pinakamatindi sa pagpaparusang nagsisilbing aral hanggang sa makarinig ng hinggil doon ang iba pa sa kanila, nang sa gayon sila ay magsasaalang-alang sa kalagayan nila kaya maririndi sila sa pakikipaglaban sa iyo at pag-alalay sa mga kaaway mo laban sa iyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: