Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 59

وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا سَبَقُوا ۚ إِنَّهُمْ لَا يُعْجِزُونَ 59 ٥٩

Huwag ngang mag-aakala ang mga tumangging sumampalataya na makalulusot sila [sa parusa ni Allāh]. Tunay na sila ay hindi makapagpapahina [kay Allāh]. (59)

Tafsīr
Huwag magpapalagay ang mga tumangging sumampalataya na sila ay nakaalpas sa parusa ni Allāh at nakatalilis mula roon. Tunay na sila ay hindi nakaaalpas sa Kanya at hindi nakatatalilis mula sa parusa Niya, bagkus ito ay makahahabol sa kanila at makaaabot sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba