Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 61

وَإِنْ جَنَحُوا لِلسَّلْمِ فَاجْنَحْ لَهَا وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ 61 ٦١

Kung humilig sila sa kapayapaan ay kumiling ka roon at manalig ka kay Allāh. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. (61)

Tafsīr
Kung kumiling sila sa pagkakasundo at pag-iwan sa pakikipaglaban sa iyo ay kumiling ka, O Sugo, roon, makipagkasunduan ka sa kanila, umasa ka kay Allāh, at magtiwala ka sa Kanya sapagkat hindi Siya magtatatwa sa iyo. Tunay na Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga layunin nila at mga ginagawa nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba