Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 67

مَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَنْ يَكُونَ لَهُ أَسْرَىٰ حَتَّىٰ يُثْخِنَ فِي الْأَرْضِ ۚ تُرِيدُونَ عَرَضَ الدُّنْيَا وَاللَّهُ يُرِيدُ الْآخِرَةَ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 67 ٦٧

Hindi naging ukol sa isang propeta na magkaroon siya ng mga bihag hanggang sa manlipol siya sa lupa. Nagnanais kayo ng mahihita sa lupa samantalang si Allāh ay nagnanais ng Kabilang-buhay. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. (67)

Tafsīr
Hindi nararapat para sa isang propeta na magkaroon siya ng mga bihag kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nakikipaglaban sa kanya hanggang sa magparami siya ng pagpatay sa kanila upang pumasok ang pangingilabot sa mga puso nila upang hindi sila manumbalik sa pakikipaglaban sa kanya. Nagnanais kayo, O mga mananampalataya, sa pagkakuha ng mga bihag sa Badr ng pagkuha ng pantubos samantalang si Allāh ay nagnanais ng Kabilang-buhay na natatamo sa pamamagitan ng pag-aadya sa Relihiyon at pagpapalakas dito. Si Allāh ay Makapangyarihan sa sarili Niya, mga katangian Niya, at paggapi Niya: walang nakadadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa pagtatakda Niya at batas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba