Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 70

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِمَنْ فِي أَيْدِيكُمْ مِنَ الْأَسْرَىٰ إِنْ يَعْلَمِ اللَّهُ فِي قُلُوبِكُمْ خَيْرًا يُؤْتِكُمْ خَيْرًا مِمَّا أُخِذَ مِنْكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ 70 ٧٠

O Propeta, sabihin mo sa sinumang nasa mga kamay ninyo na mga bihag: “Kung nakaaalam si Allāh sa mga puso ninyo ng isang mabuti ay magbibigay Siya sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kinuha mula sa inyo at magpapatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.” (70)

Tafsīr
O Propeta, sabihin mo sa sinumang bumagsak sa mga kamay ninyo na mga bihag na mga tagapagtambal na nabihag ninyo sa Araw ng Badr: "Kung nakaaalam si Allāh sa mga puso ninyo ng paglalayon ng mabuti at ng kaayusan ng layunin ay magbibigay Siya sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kinuha mula sa inyo na pantubos kaya huwag kayong malungkot sa kinuha sa inyo mula roon, at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila." Nagkatotoo nga ang pangako ni Allāh para kay Al-`Abbās, ang tiyuhin ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa iba pa sa kanya kabilang sa mga yumakap sa Islām.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba